MANILA, Philippines - Tunay na kampeon ang Filipino boxer na si Renan “Little Pacquiao” Trongco sa matagumpay na pagdepensa sa kanyang WBC International flyweight title laban sa Japanese challenger na si Hayato Yamaguchi sa SM Mall of Asia Music Hall noong Setyembre 27.
Mapapanood ang laban sa isang special telecast ng GMA-7 na pinamagatang “Laban ng Lahi: Heart of Champions” na ipapalabas bukas ng alas-11 ng umaga pagkatapos ng i-Bilib.
Umangat ang record ni Trongco sa 16-4-0 at may 9 knockouts, habang si Yamaguchi naman ay may 12-5-1 record at 2 KOs.
Ang laban ay mula sa pangangasiwa nina Bebot Elorde ng Elorde International Promotions kasama ang Kapuso actor na si Rocco Nacino, isang franchise owner ng Elorde Gym-Marcos Highway.