No. 4 seat muling nakuha ng JRU

MANILA, Philippines -  Kumapit muli ang host Jo­se Rizal University sa ika­apat na puwesto matapos magdesisyon ang Mapua na huwag nang ilaro ang kanilang tagisan sa 90th NCAA men’s bas­ketball nga­yon sa The Are­na sa San Juan City.

Babalik na mula sa one-game suspension sina Ron­nel Villasenor at Darrel Magsigay pero hindi pa rin sila puwedeng isalang dahil sa mga iniindang injuries.

Si Carlos Isit na siyang si­nuntok ni John Tayongtong ng Emilio Aguinaldo College para pasiklabin ang rambulan ng dalawang ko­ponan ay nagkaroon ng fractured right cheekbone.

Sasaluhan ng JRU ang Per­petual Help sa 11-6, ha­­bang maiiwan sa ika-li­mang puwesto ang College of St. Benilde (10-6).

Ang four-time defen­ding champions na San Be­da ay nakakuha ng ‘twice-to-beat’.

 

Show comments