Carter-Williams hindi pa makakapaglaro

DOVER, Del. -- Wala pang katiyakan kung makakalaro si Philadelphia 76ers guard Michael Carter-Williams matapos ang isang offseason shoulder surgery.

Sumailalim si Carter-Williams, ang 2014 NBA Rookie of the Year, sa surgery noong Mayo para ayusin ang la­brum sa kanyang kanang balikat.

Sinabi ni Sixers coach Brett Brown na hindi pa pi­napayagang maglaro si Carter-Williams sa pagsisimula ng kanilang training camp bukas.

Si Carter-Williams ang tanging ikatlong player mula no­ong 1950-51 na namuno sa lahat ng rookies sa scoring (16.7), rebounding (6.3) at assists (6.2) at nakahanay sina Oscar Robertson (1960-61) at Alvan Adams (1975-76).

Si Allen Iverson ang isa pang player sa Sixers history na nanalo ng rookie award.

 

Show comments