Sa kabila ng pang-aasar sa kanya ng American sa Twitter at Instagram Manny kinaawaan si Floyd

MANILA, Philippines -  Sa pinakahuling pang-aasar sa kanya ni Floyd May­weather, Jr. ay ipinoste nito sa kanyang Twitter at Ins­tagram account ang lit­rato ng pagbagsak ni Man­ny Pacquiao mula sa suntok ni Juan Ma­nuel Marquez sa kanilang ika­apat na paghaharap noong 2012.

Binanggit din ng 37-an­yos na si Mayweather ang problema ng 35-anyos na si Pacquiao sa isyu sa bu­wis at ang bumabagsak nitong Pay-Per-View num­bers.

Ngunit wa­lang galit na nakita kay Pacquiao ukol sa naturang paninira sa kan­ya ni Mayweather.

“Alam mo, hindi naman ako nagagalit sa kanya,” sa­bi ni Pacquiao kay May­wea­ther sa panayam ng GMA News mula sa Gene­ral Santos City. “Naawa pa ako sa kanya, because he acts like an uneducated per­son.”

“Pangit, pero naawa ako and I’m praying for him. Ka­ilangan din na ituro sa kan­ya na may Panginoon,” dagdag pa ng Filipino world eight-division champion.

Kamakailan ay sinabi ni Pacquiao (56-5-2, 38 KOs) na walang balak si May­weather (47-0-0, 26 KOs) na labanan siya dahil pinoprotektahan nito ang malinis na ring record.

Ang lahat ng naunang pahayag ni Mayweather na payag na itong labanan si Pacquiao ay para lamang patuloy siyang pag-usapan.

Idineklara kamakailan ng World Boxing Council (WBC) ang pagsuporta pa­ra sa pagtatakda ng me­ga fight nina Pacquiao at Mayweather sa susunod na taon.

Sinabi ng Sarangani Congressman na ta­nging ang Panginoong Je­sus lamang ang nakaka­alam kung matutuloy ang ka­nilang banggaan ni May­wea­ther.

“Depende, depende. If it’s in God’s will, matutuloy ‘yan,” sabi ni Pacquiao.

Sinabi naman ng uncle/trainer ni Mayweather na isa lamang kina Pacquiao at da­ting world light we­l­terweight king Amir Khan ang natitirang laban para sa American world five-di­vi­sion titlist.

“To be honest, I can’t real­ly say who it is because I’m not one hundred percent sure. If they do it by names — which Floyd nor­mally does — it may ac­tually help the pay–per-view revenue, it’s gonna pos­sibly be Khan or maybe Pac­quiao next for Floyd, be­cause there’s no other op­tions out there in the weight class that make any sense,” ani Jeff Maywea­ther.

Itataya ni Pacquiao ang kanyang hawak na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown kon­­tra kay American challenger Chris Algeiri (20-0-0, 8 KOs) sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

Show comments