Nationals giba sa Qatar ‘must win’ sa huling 2 laro

Incheon, Korea -- Umiskor sa fastbreak si Marc Pingris ng Gilas laban sa isang Qatar player. (Kuha ni Jun Mendoza)

INCHEON, South Korea -- Nag-aagaw-buhay nga­­yon ang pinaniniwala­ang palaban sa gintong me­­dalyang Gilas Pilipinas nang pabagsakin sila ng Qa­tar, 77-68, sa pagsisi­mu­la ng quarterfinals ng men’s basketball competition sa 17th Asian Games sa Hwaseong Sports Complex dito kagabi.

Kumamada si Mohd You­­suf Mohamed ng 19 points at hindi siya su­mab­lay sa tatlong triples na pi­nakawalan sa ikatlong yug­to para pasiklabin ang 15-0 bomba na tuluyang nagbigay ng momentum sa Qatar team.

“I’m gonna ask Marcus if he doesn’t wanna play we’ll go all-Filipino. If he wants to go home he can go home,” wika ni Gilas coach Chot Reyes sa ma­tamlay na laro ni Marcus Douthit. “I don’t think it was an issue of fatigue. I think it was more of an issue of desire.”

Binalikat ni Jimmy Ala­pag ang Gilas Pilipinas sa kanyang 15 points tampok ang pitong triples.

Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ng Gilas matapos ang 63-68 pag­yukod sa Iran sa pagtatapos ng prelimina­ry round.

Nakatakdang labanan ng Gilas Pilipinas ang Korea ngayong alas-2 ng ha­pon kasunod ang Kazakhstan bukas ng alas-3:15 para sa mga krusyal nilang laro.

Nagbida si Mohamed sa paglayo ng Qatar sa 51-39 bago nakalapit ang Pilipinas sa 59-63 agwat. (Beth Repizo-Meraña)

Qatar 77 -- Mohamed 19, Watson 15, Daoud 11, Ali Saeed 10, Abdi Khalid 8, Mohamed Mohamed 5, Elhadary 4, Mohamed B., 3, Abdulla 2, Salem 0, Al Darwish 0.

Gilas 68 -- Alapag 15, Douthit 10, Lee 9, Pingris 9, Chan 7, Tenorio 5, David 4, Dellinger 3, Fajardo 2, Norwood 2, Aguilar 0.

Quarterscores: 19-19; 39-36; 56-51; 77-68.

Show comments