INCHEON, Korea — Bago pa man makamit ang silver medal sa wushu event sa 17th Asian Games ay may pangako na si Daniel Parantac sa kanyang sarili.
Plano ng graduating secondary education student ng University of the Cordilleras na magturo ng wushu.
Tatlong buwan na lamang at makakamit na ni Parantac ang kanyang major degree sa MAPEH—pinagsamang mga subjects sa music, arts, physical education at health.
Ang wushu ay mas kilala bilang kung-fu na sinasabi ni Daniel at ng kanyang kapatid na si Denver na hihikayat sa mga bata.
“I got attracted to wushu when I saw a group of people whom I thought were practicing karate-do while we were jogging at the Burnham Park in Baguio,” ani Parantac, tinuruan ng wushu ni Tan Sui Tong Candelaria o mas kilala bilang si ‘Tsing Tsong Tsai’ na sumikat noong 1970’s.