MANILA, Philippines – Dalawa sa tatlong free throws ang naisalpak ni Harold Arboleda para bitbitin ang Perpetual Help sa 76-75 panalo laban sa four-time defending champions na San Beda sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Napasabit ni Arboleda si Arthur dela Cruz sa huling 0.2 segundo sa aktong pagpukol sa 3-point arc.
Hindi nagpaapekto si Arboleda sa mga panatiko ng Red Lions at ipinasok ang dalawang buslo para ibigay sa Altas ni coach Aric del Rosario ang isang puntos kalamangan patungo sa kanilang panalo.
Iprinotesta ng San Beda ang laro.
Naipaghiganti ng Altas ang 75-77 pagkatalo sa first round upang wakasan din ang anim na diretsong panalo ng San Beda.
Ito rin ang ika-siyam na panalo ng tropa ni Del Rosario para dumikit sa host Jose Rizal University Heavy Bombers at St. Benilde Blazers na may magkatulad na 9-5 karta.
Nauwi naman sa free-for-all ang ‘no-bearing’ game sa pagitan ng Mapua at Emilio Aguinaldo College sa ikalawang laro.
Lamang ang Generals, 86-77, sa huling 28.5 segundo nang suntukin ni John Tayongtong ng EAC si Carlos Isit ng Mapua.
Nagrambulan ang magkabilang panig.
Nagkasundo ang Mapua at EAC officials sa rekomendasyon ni Commissioner Arturo Cristobal na ideklarang panalo ang Generals. Perpetual 76 - Baloria 22, Dagangon 18, Alano 12, Arboleda 9, Thompson 7, Jolangcob 6, Oliveria 2, Bantayan 0, Gallardo 0.
San Beda 75 - Adeogun 20, Amer 10, Mendoza 10, De La Cruz 9, A. Semerad 8, Tongco 8, Cabanag 4, Pascual 4, Koga 2, Abatayo 0, D. Semerad 0, Solera 0.
Quarterscores: 15-13; 34-31; 63-49; 76-75.
EAC 86 - Jamon 21, Serrano 13, General 13, Onwubere 12, Tayongtong 9, Mejos 8, Pascual 6, Arquero 4, Aguilar 0, Santos 0, Saludo 0.
Mapua 77 - Gabo 15, Eriobu 14, Saitanan 11, Isit 10, Cantos 10, Estrella 9, Biteng 4, Canaynay 2, Serrano 2, Villaseñor 0.
Quarterscores: 24-14; 39-35; 61-57; 86-77.