Lavandia kumuha ng 2 silvers

KITAKAMI CITY, Japan – Nakamit ni Erlinda Lavandia ang dalawang silver medal sa discus throw at shot put sa 18th Asia Masters Athletics Championships dito sa Kitakami City, Iwate Prefecture.

Nauna nang kumuha si Lavandia ng bronze medal sa hammer throw event.

Naghagis si Lavandia ng 20.62 metro para pumanga­lawa kay Matsuoka Kanako ng Japan na inangkin ang gold medal mula sa kanyang 23.1m sa women’s 60-64 years old discus throw event.

Muling sumegunda si Lavandia kay Kanako sa shot put sa kanyang ibinatong 8.64m kumpara sa 9.52m ng una sa parehong age group.

Nakatakdang lumaban si Lavandia sa paboritong ni­yang javelin event kung saan siya nagreyna noong na­karaang edisyon ng Asia Masters.

Inangkin naman ni Margarito Baniqued ang bronze me­dal sa 5,000m walk para sa men’s 55-59 years old age group.

Show comments