Mga laro sa NCAA kanselado na naman kahit wala na si ‘Mario’

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

12 n.n. San Beda vs Perpetual (jrs/srs)

4 p.m. Mapua vs EAC (srs/jrs)

 

MANILA, Philippines - Muling nagdesisyon ang NCAA Management Com­mittee (ManCom) na kan­­selahin na rin ang dalawang laro sa 90th NCAA bas­ketball tournament kahit bu­­muti na ang panahon ka­­hapon.

Mas pinagtuunan ng ManCom sa pangunguna ni chairman Paul Supan ng host Jose Rizal Univer­sity ang katotohanan na ang karamihan ang bumabangon pa sa epekto ng wa­lang tigil na pag-ulan no­ong Biyernes sa bagyong ‘M­ario’.

Kahit ang laro sa chess na dapat ay isinagawa kahapon at kinansela na rin.

Magtutuos dapat ang Arellano Chiefs at Lyceum Pirates sa juniors at seniors divisions.

Ito na ang ikatlong pagkakataon sa linggong ito na naisantabi ang larong na­katakda dahil sa bagyo.

Ang una ay nangyari no­ong Lunes dahil sa pagdating ng bagyong ‘Luis’. (ATan)

 

 

Show comments