Buo na ang coaching staff ni Scott para sa Lakers

EL SEGUNDO, California — Sina Paul Pressey, Jim Eyen at Mark Madsen ang mga magiging assistant coaches ni Byron Scott sa Los Angeles Lakers.

Ito ang inihayag ni Scott para sa darating na kam­pan­ya ng Lakers.

Si Pressey ay nasa coa­ching staff ni Scott sa Cleveland at New Orleans.

Naglaro siya ng 11 NBA seasons sa tatlong NBA clubs.

Magbabalik naman si Eyen sa Lakers matapos ang tatlong seasons bilang isang assistant coach sa ila­lim ni Pat Riley at Mike Dun­leavy noong 1989-92.

Siya ay nasa coaching staff ng Sacramento Kings sa loob ng apat na seasons hanggang 2013.

Si Madsen ay isang da­ting Lakers forward at na­nalo ng NBA championship rings bilang isang backup noong 2001 at 2002.

Siya ay naging player development coach para sa Lakers noong nakaraang season.

Kinuha rin ni Scott ang kanyang panganay na anak na si Thomas bilang player development coach.

Si Clay Moser naman ay ang bagong head advance NBA scout ng La­kers, ayon kay Scott.

Show comments