Libu-libong mananakbo dadagsa sa fun run for a cause

BACOOR CITY, Philippines – Li­mang libong runners ang inaasahang sasali sa fun run sa darating na Sabado bilang kick off ng pagdiriwang ng ika-343rd  Bakood Day,  ayon kay Mayor Strike Revilla.

Sinabi ni Mayor Revilla, magsisimula ang fun run for a cause sa alas-5 ng umaga sa Molino Boulevard kung saan ay inaasahang 5,000 runners ang makikiisa.

Sa Sept. 23 naman ay sisimulan ang Revilla Cup mini-Olympics na gaganapin sa Bacoor Coliseum bandang alas-7 ng umaga at susundan naman ng Mandaragat Olympics na Alima-Talaba-Anima.

Gugulong naman ang bowling tournament sa Sept. 24 sa Robinson's Imus, ayon pa kay Mayor Strike.

Ang awarding ceremony sa mga mananalo ay gaganapin sa Sept. 29 na mismong Bakood Day.

Show comments