MANILA, Philippines – Tuloy-tuloy ang pagkilala ng mundo ng basketball sa Pilipinas patunay dito ang pag-alok ng FIBA ng pwesto kay Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan para sa Central Board.
“I’ve been invited to the Central Board of FIBA and I’m inclined to accept,” pahayag ni Pangilinan sa farewell dinner ng Gilas Pilipinas sa Sevilla, Spain.
Isa itong malaking tagumpay para sa Pilipinas dahil matagal na mula nang may maupong Pinoy sa FIBA Central Board.
Dalawang beses kada taon ginagawa ang assembly ng Central Board, kung saan sa pinakahuli nilang pagkikita ay nagbotohan sila ng mga bagong opisyal.
Nailuklok si Horacio Muratore ng Argentina bilang FIBA president kapalit ni Yvan Mainini ng France.
Makakakuha ng karapatan si Pangilinan na bumoto oras na pormal siyang umupo sa pwesto.