Batang Gilas inilaglag ng Taiwanese

MANILA, Philippines - Namaalam ang Batang Gilas sa tagisan sa titulo nang lumasap ng 86-90 pag­katalo sa Chinese-Taipei sa quarterfinals noong Mar­tes ng gabi.

Napabayaan ng depen­sa si Lin Ming-yi para maipasok ang binitiwang three-pointer na nagbigay ng tatlong puntos kalamangan.

Bago ito ay naitabla ni Paul Desiderio ang laro sa 86-all sa huilng 1:18 minuto ng la­banan.

Tuluyan ng kumapit ang malas sa koponan nang nagkaroon ng error si Joshua Caracut na nasundan ng mga sablay nina Dave Yu at Kobe Paras.

Natiyak ang panalo ng Taiwanese nang mag­­­hatid ng free throw si Tu Ssu-han para sa apat na puntos bentahe sa huling anim na segundo ng laro. (AT)

Show comments