Thompson nanguna para sa panalo ng Altas

Nakipaglaban sa rebound si Ric Gallardo ng Perpetual kina Jamil Gabawan at Rey Publico ng Letran. (Kuha ni Jun Mendoza)

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

12 n.n. – EAC vs Jose Rizal U (jrs/srs)

4 p.m. – Lyceum vs Mapua (srs/jrs)

 

MANILA, Philippines - Pinawi ni Earl Scottie Thompson ang pagkakaroon ng walong errors nang siya ang naghatid ng krusyal na puntos para kunin ng Perpetual Help ang 67-64 panalo sa Letran College sa 90th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang dalawang free throws ni Thompson sa huling 49 segundo ang naglayo sa Altas sa 66-63 para sungkitin ng koponan ang ika-pitong panalo matapos ang 11 laro at manatili sa ikatlong puwesto.

May 16 puntos at 13 rebounds bukod sa 5 assists si Thompson para maisantabi ang 8 errors.

Si Juneric Baloria ang nanguna sa Perpetual sa kan­yang 18 puntos, habang sina Harold Arboleda at Joel Jolangcob ay naghati sa 20 puntos.

May 18 at 16 puntos sina Kevin Racal at Mark Cruz pe­ro nawala ang opensa ni Rey Nambatac na may 8 puntos upang matapos ang two-game winning streak ng Knights para sa 4-7 baraha.

Nakasalo ang St. Benilde Blazers matapos itakas ang 74-66 panalo sa Lyceum Pirates sa ikalawang laro.

Ang PBA draft pick Paolo Taha ay may 26 puntos at ang pinakamalaking buslo ay nangyari sa isang 15-foot jumper. (ATan at Merrowen Mendoza/trainee)

Perpetual Help 67 – Baloria 18, Thompson 16, Ar­­boleda 10, Jolangcob 10, Alano 8, Dagangon 5, Ta­mayo 0, Gallardo 0, Sadiwa 0, Lucente 0.

Letran 64 – Racal 18, Cruz 16, Tambeling 8, Nam­batac 8, Gabawan 5, Luib 3, Quinto 3, Publico 2, Ruaya 1, Apreku 0, Singontiko 0.

Quarterscores: 16-21; 38-37; 59-51; 67-64.

St. Benilde 74 – Taha 26, Romero 18, Grey 13, Sin­co 4, Jonson 3, Bartolo 3, Ongteco 3, Nayve 2, Sa­avedra 2, Pajarillaga 0, Altamirano 0.

Lyceum 66 – Baltazar 17, Mbbida 15, Gabayni 11, Taladua 8, Zamora 6, Bulawan 4, Lesmoras 3, Ma­labanan 2, Maconocido 0.

Quarterscores: 22-28; 36-38; 55-54; 74-66.

Show comments