Gilas ‘di rin umubra sa Euzkadi

MANILA, Philippines - Patuloy ang kamalasan ng Gilas Pilipinas, 10 araw bago ang pagsisimula ng 2014 FIBA World Cup matapos malasap ang kanilang ikaapat na sunod na kabiguan sa mga tune-up matches.

Natalo ang Nationals sa pinakamahinang Basque Country national team, 66-75, sa San Sebastian, Spain.

Ang masaklap pa nito ay nagkaroon si  Jayson Castro ng ankle injury.

Nakatakdang sumailalim ang Talk ‘N Text stalwart para sa isang MRI (magne­tic resonance ima­ging) test para malaman kung gaano kabigat ang kanyang injury.

Hinirang na ng Gilas Pilipinas ang kanilang Final 12 para sa World Cup at Asian Games kung saan pa­rehong kasama si Castro.

Maaaring magpalit ng player ang Team Phl o ang anumang koponan, ngunit kailangan silang magbayad ng malaking penalty fee.

Ang mga Filipino pla­yers na maaaring pumalit kay Castro ay sina Jared Dillinger, Beau Belga at Jay Washington.

Walang inilabas na detalye ukol sa kabiguan ng Gilas Pilipinas sa Euzkadi-Basque maliban kay Andray Blatche na nagtala ng 19 points at 7 rebounds, habang may 10 markers at Marc Pingris, 9 si Jimmy Ala­pag at 7 si Gabe Norwood.

Hindi nanalo ang koponan ni coach Pablo Laso sa kanilang mga friendly matches bago labanan ang Gilas.

Ang Basque Country team ay hindi kasama sa FIBA at nakikipaglaro lamang sa mga FIBA teams.

Apat pang tune-up matches ang lalaruin ng Na­tionals bago labanan ang Croatia sa world meet sa Agosto 30

Haharapin ng Gilas Pilipinas ang Angola sa San Sebastian sa Agosto 21, ang Dominican Republic sa Guadalajara sa Agosto 24 at ang Egypt sa Guadalajara sa Agosto 25.

Show comments