Optimistiko si George

INDIANAPOLIS - Sinuong ni Paul George ang lahat ng pagsubok para maging isang NBA star.

Ngayon ay kailangan niya uli itong gawin para makapaglaro sa susunod na season.

Dalawang linggo matapos mabalian ng kanang binti, sinabi ni George na kumpiyansa pa rin siyang makakabalik sa court sa dulong bahagi ng susunod na season.

“All I can do at this point is sleep, watch TV and lay down, so it’s tough for me. I’m used to being active, lifting weights, being in the gym,’’ sabi ni George habang pinapanood ng kanyang mga magulang ang news conference. “At the same time, I want to be part of this team. The last thing I want to do is feel like I’m not part of this team because I’m out. I’m holding out hope, just personally, because I want to be back.’’

Naglaro muna si George ng underdog role dahil hindi pa siya gaanong kilala bago siya naging star player ng Fresno State.

Ang maganda niyang paglalaro sa college ang nakakuha ng atensyon ni Pacers president of basketball operations Larry Bird na kinuha siyang No. 10 overall noong 2010 NBA Draft.

Matapos ang kanyang ikatlong season sa NBA, hinirang si George bilang NBA Most Improved Player.

Pinamunuan niya ang Pacers sa scoring at nakapaglaro sa All-Star Game at napabilang sa all-defensive team sa nakaraang dalawang seasons.

Nagkaroon ng injury si George noong Agosto 1 sa isang U.S. national team scrimmage sa Las Vegas nang tumama ang kanyang binti sa basketball stanchion.

“When I looked down and saw bone sticking out, I knew it was bad,’’ wika ni George. “I’d felt pain before, but I have never felt pain like that. So I knew it was bad.’’

Ayon kay George, isang beses lamang niyang pinanood ang replay at hindi na niya ito inulit.

Show comments