PBA Press Corps Annual Awards sa Aug. 21

MANILA, Philippines - Idaraos ng PBA Press Corps ang kanilang 2014 Annual Awards sa Agosto 21 sa Richmonde Hotel sa Eastwood City, Libis, Quezon City kung saan pararangalan ang mga taong nangibabaw sa nakaraang 39th season.

Ang bibigyan ng re­kog­nisyon ay ang Coach of the Year, Executive of the Year, Mr. Quality Minutes, Comeback Player of the Year at All-Rookie Team.

Ang Accel-Order of Merit ay ibibigay sa player na palagiang naiboboto bilang Player of the Week, habang ang top three choices sa Willie Caballes-PBAPC Sports Writing Contest ay bibigyan ng premyo.

Pangungunahan ni PBAPC president Barry Pascua ng Bandera ang mga opisyal at miyembro sa Richmonde Hotel Ballroom sa ganap na alas-6 ng gabi.

Ang Coach of the Year trophy, nakamit ni dating Alaska Aces mentor Lui­gi Trillo noong 2013, ay ipi­nangalan kay legendary Virgilio ‘Baby’ Dalupan, samantalang ang pangalan ng namayapang si Danny Floro, ang team owner ng Crispa Redmanizers, ay nakaukit sa Executive of the Year plum na ibinigay sa PBA Board of Governors noong nakaraang taon.

Si three-time PBA Most Valuable Player William ‘Bogs’ Adornado ang mag-aabot ng Comeback Player of the Year trophy.

Ang event ay suportado ng PBA, Alaska, Barangay Ginebra San Miguel, Barako Bull, Blackwater Sports, Globalport, Kia Motors, Meralco, NLEX, Rain or Shine, San Mig Super Coffee, San Miguel Beer at Talk ‘N Text.

Show comments