Chessers hangad ang Top 20 finish

MANILA, Philippines - Gagawin ng Team Phi­lippines ang lahat para ma­nalo at makuha ang Top 20 finish.

Lalabanan ng mga Pinoy ang No. 37 Canada nga­yon sa pagtatapos ng 41st Chess Olympiad sa Trom­so, Norway.

Sina Grand Masters Ju­lio Catalino Sadorra, John Paul Gomez, Eugene Tor­re at Jayson Gonzales ang muling magdadala sa kampanya ng bansa sa na­turang biennial event sa pagsagupa kina GM Anton Jovalyov, GM Eric Hansen, IM Leonid Gerzhoy at GM Ba­tor Sambuev, ayon sa pag­kakasunod.

Kasama ang koponan sa pang-38 sa kanilang 12 points at maaaring makapasok sa Top 20 kung mananaig sa Canadians.

Si Gonzales ang mag­lalaro sa Board 4 kapalit ng bagitong si Paulo Bersa­mi­na matapos magtala ng 2.5 points sa kanyang tat­long laro.

Magbabalik sa aksyon ang 62-anyos na si Torre ma­tapos magpahinga.

Sina Gomez at Bersa­mina ay parehong may 5.0 points, habang si Torre ay nagsulong ng 4.5 points.

Lalabanan naman ng mga Pinay ang Belgium.

Muling babandera pa­ra sa grupo sina Chardine Cheradee Camacho, Ja­nelle Mae Frayna, Jan Jo­­dilyn Fronda at Christy La­miel Bernales katapat si­na Hanne Goossens, Iuliia Morozova, Wibke Barbier at Sarah Dierckens.

Nasa pang-42 posisyon ang mga Pinay.

 

Show comments