Barangay Ginebra San Miguel dumayo sa Cebu

MANILA, Philippines - Pinangunahan ng Philippine Basketball Association (PBA) Rookie of the Year na si Greg Slaughter (gitna), ang pagbisita ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings sa Cebu City kamakailan kasama sina (mula kaliwa) Eman Monfort, Dylan Ababou, Chris Ellis at Mac Baracael.

Ang tatlong araw na Gin Kings basketball tour ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-180 taong anibersaryo ng Ginebra San Miguel.

 Ito rin ay nagsilbing pasasalamat ng Ginebra San Miguel Inc. sa milyun-milyong Pilipino na tumatangkilik sa Ginebra San Miguel, na kilala bilang “World’s Largest Selling Gin”.  Nag-tour din ang Gin Kings sa University of Visayas kung saan dating nag-aral si Slaughter.

Pumunta rin ang mga sikat na basketbolista  sa Gaisano Grand Mall Mactan, Gaisano Country Mall Banilad, at maging sa Mandaue Sports Complex kung saan sila nagdaos ng Barangay Ginebra Basketball Extravaganza.

Para sa iba pang balita tungkol sa Gin Kings, i-like ang official fanpage ng Ginebra San Miguel www.facebook.com/barangayginebra

Show comments