Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
2 p.m. Ateneo vs UE
4 p.m. La Salle vs UST
MANILA, Philippines - Mula sa isang six-point lead sa first period ay kumamada ang Tamaraws sa second quarter at hindi na nilingon ang Bulldogs.
Ipinalasap ng Far Eastern University ang ikalawang kabiguan ng National University sa bisa ng 71-62 panalo para makisosyo sa ikatlong puwesto sa eliminasyon ng 77th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Matapos kunin ang 21-16 abante sa first quarter ay umiskor ang Tamaraws ng 21 points sa second period kasabay ng paglimita sa Bulldogs sa 6 marker para sa kanilang 42-22 abante.
Sa unang laro, winakasan ng Fighting Maroons ang kanilang 27-game losing slump sapul noong 2012 matapos talunin ang Falcons, 77-64.
Umiskor sina Mikee Reyes at JR Gallarza ng mga career-highs na 28 at 24 points, ayon sa pagkakasunod, para sa unang panalo ng UP.
Huli silang nakatikim ng tagumpay noong Agosto 19, 2012 nang talunin ang Red Warriors, 63-48.
Naglunsad ang Fighting Maroons ng isang 10-0 atake sa pagbungad ng third quarter para ibaon ang Falcons sa 52-32 na lumobo pa sa 60-36.
UP 77 – Reyes 28, Gallarza 24, Lao 10, Juruena 4, Asilum 4, Gingerich 2, Moralde 2, Lim 2, Amar 1, Vito 0, Harris 0.
Adamson 64 – Trollano 24, Rios 20, Monteclaro 5, Nalos 4, Villanueva 3, Iñigo 3, Ochea 2, Baytan 2, Polican 1, Barrera 0, Garcia 0, Aquino 0, Pedrosa 0.
Quarterscores: 19-13; 42-32; 66-46; 77-64.
FEU 71 – Cruz 16, Iñigo 14, Tolomia 10, Belo 9, Pogoy 6, Jose 6, Hargrove 5, Tamsi 5, Ru. Escoto 0, Dennison 0, Delfinado 0, Ugsang 0.
NU 62 – Alolino 13, Khobuntin 9, Javelona 8, Diputado 7, Betayene 7, Rosario 6, Neypes 6, Aroga 4, Atangan 2, Alejandro 0, Perez 0, Celda 0.
Quarterscores: 21-16; 42-22; 55-42; 71-62.