Pinto itinakas ang Chiefs

    Tila nakadikit sa dibdib ni Abdul Abdulwahab ng JRU ang bola matapos mabitiwan ito na pinanood na lang nina  Sidney Onwebere at John Santos ng EAC sa aksyong ito sa NCAA. (Jun Mendoza)

MANILA, Philippines - Nakahablot ng offensive rebound tungo sa follow-up si John Pinto para itulak ang Arellano Chiefs sa 67-66 panalo sa St. Benilde Blazers sa 90th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Nabigyan ng dala­wang free throws si Dioncee Holts sa huling 3.1 segundo at lamang ng dalawa ang Blazers.

Pasok ang una pero sumablay ang  ikalawa ni Holts pero ang alisto na si Pinto ang nakakuha ng rebound para sa winning basket.

May 19 puntos at li­mang rebound si Pinto para ilapit uli ang Chiefs sa ka­lahating laro pagitan sa nangungunang San Beda Red Lions sa 7-2 karta.

Nagwakas ang four-game winning streak sa pagkatalong ito ng Blazers tungo sa 4-4 baraha.

Naunang nakapagtala ng dikitang panalo ang host Jose Rizal Heavy Bom­bers sa 81-79 pananaig sa Emilio Aguinaldo College Generals sa unang laro.

Lumayo ng  hanggang 13 puntos ang Bombers pero inunti-unti ng Gene­rals ang pagbangon para mauwi sa klasikong endgame ang labanan.

Ang drive ni John Ta­yong­tong sa huling 15 segundo ang naglapit sa EAC sa 80-79.

Nag-split sa charity stripes si John Ervin Grospe bago ang pinakawalang tres ni Tayongtong ay hindi tumama ng ring.

“It’s a good win because in the end, we showed com­posure,” wika ni JRU coach Vergel Meneses na sinolo ang ikatlong puwesto sa 5-3 karta. (ATan)

JRU 81 – Paniamogan 18, Asuncion 15, Teodoro 14, Sanchez 11, Mabulac 8,  Grospe 6, Abdul Wahab 4, Benavides 3, Salaveria 2.

EAC 79 – Tayongtong 21, Happi 12, Arquero 12, Onwubere 11, Aguilar 10, Serrano 5, Santos 4, Jamon 4, Pascual 0.

Quarterscores: 18-24; 38-44; 66-56; 81-79.

Arellano U 67- Pinto 19, Jalalon 12, Agovida 8, Holts 7, Salcedo 6, Bangga 4, Gumaru 3, Ciriacruz 2, Palma 2, Caperal 2, Enriquez 2, Nicholls 0, Hernandez 0, Ortega 0, Cadavis 0

St. Benilde 66- Romero 21, Taha 16, Grey 13, Saavedra 7, Pajarillaga 4, Sinco 4, Bartolo 1, Jonson 0.

Quarterscores: 15-8; 30-26; 47-46; 67-66.

Show comments