Madrid sinuspindi ng UAAP

MANILA, Philippines - Dahilan sa kanyang alegasyon na may nangyaring ‘point shaving’ sa 57-73 kabiguan ng kanyang Fighting Maroons laban sa Tigers noong Agosto 2 ay pinatawan si UP rookie coach Rey Madrid ng two-game suspension ng UAAP Commissioner’s Office.

Sinabi ni UAAP Commissioner Andy Jao na walang basehan ang naturang akusasyon ni Madrid ng dayaan sa kabiguan ng UP sa UST sa 77th UAAP men’s basketball tournament.

“I have suspended Mr. Madrid for two playing days,” sabi ni Jao.

Ayon kay Madrid, tinulungan ng mga referees na pa­lobohin ng Tigers ang kanilang kalamangan sa Fighting Maroons para makuha ang gusto nilang final score.

Inamin naman ni Madrid ang kanyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa liga. 

Show comments