Programa ng PATAFA ilalahad ni Juico sa PSA

MANILA, Philippines - Ang bagong halal na si Philippine Amateur Track and Field Association (PATA­FA) president Philip Ella Juico ang mangunguna sa mga bisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa Shakey’s Malate.

Ilalahad ni Juico ang kanyang mga plano para sa athletics federation matapos palitan si long-time president Go Teng Kok noong naka­raang linggo.

Makakasama niya sa sesyon na inihahandog ng Shakey’s, Accel at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sina dating Manila councilor at ngayon ay senior executive assistant to the Office of the Manila Mayor na si Rafael `Che’ Borromeo at Philippine bantamweight champion JR Magboo.

Tatalakayin ni Borromeo, ang pangulo ng ML­LP, ang kampanya ng bansa sa 2014 World Series Girls Big League Championship sa Sussex, Delaware, habang si Magboo ay sasamahan ng mga miyembro ng Touch Gloves boxing gym at ni Saved By The Bell promoter Elmer Anuran para sa darating na IBF Pan Pacific super bantamweight title fight sa Agoncillo, Batangas.

 

Show comments