FEU belles nagreyna sa Petron beach volley

DASMARIÑAS, Cavite – Inangkin ni high-leaping spiker Bernadette Pons ang kanyang ikalawang korona  katuwang si Charm Simborio sa third-leg ng 2014 Ladies’ Beach Volleyball tournament.

Tinalo nina Pons at Simborio ng Far Eastern University sina Charmille Belleza at Clara Camille Lozada ng Emilio Aguinaldo College-1 sa pamamagitan ng 21-13, 21-14 sa kanilang best-of-three finals showdown sa sand courts ng De La Salle-Health Scien­ces Institute sa Dasmariñas, Cavite.

“Pangit ang performance namin nu’ng semifinals. Bumawi na lang kami sa finals, kumapit at dumikit sa score nila (EAC),” sabi ng 17-anyos na si Pons, nakamit ang kanyang second-leg crown matapos angkinin ang third-leg plum noong nakaraang taon katuwang si Samantha Dawson.

Isang attacking error at out-of-bounds return shot ni Lozada ang nagbigay kina Pons at Simborio ng 13-11 abante mula sa 11-11 pagkakatabla.

Mula rito ay kinuha ng dalawang Lady Tams ang 16-12 bentahe mula sa ka­nilang jump spikes sa frontline.

Ang dalawang aces ni Pons ang nag-angat sa kanila sa 20-13.

Nauna nang inangkin ng FEU belles ang finals seat matapos gibain sina Yvonne Reyes at Arnie Yumul ng Emilio Aguinaldo College-2 mula sa 21-18 tagumpay sa semis.

Umabante naman sina Belleza at Lozada sa finals makaraang talunin sina University of the East duo Francislyn Cais at Krycel Cueva, 21-16.

Show comments