38th MILO Marathon Manila Leg pakakawalan ngayon

MANILA, Philippines - Pakakawalan ngayong umaga ang pang-limang qualifying leg ng 38th National MILO Marathon sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.

Higit sa 40,000 bilang ng partisipante ang inaasahang tatakbo sa anim na events.

Ang mga ito ay sa 42-kilometer, 21km 10km, 5ka t 3k sa Seaside Boulevard ng SM Mall of Asia.

Nauna nang natapos ang mga qualifying legs sa Ba­guio City (Hunyo 29), Dagupan (Hulyo 6), Tarlac (Hulyo 13) at Angeles City (Hulyo 20).

Matapos ang Manila leg ay idaraos naman ang pang-anim na qualifying leg sa Naga (Agosto 24), Lucena (Agosto 31), Puerto Princesa (Setyembre 7), Lipa (Setyembre 14), Iloilo (Setyembre 21), Bacolod (Setyembre 28), Tagbilaran (Oktubre 5), Cebu (Oktubre 12), Butuan (Oktubre 19), Cagayan De Oro (Nobyembre 9), General Santos City (Nobyembre 16) at Davao (Nobyembre 23).

Ang National Finals ay nakatakda sa Disyembre 7 sa SM Mall of Asia Grounds sa Pasay City.

Matapos ang dalawang tiket para sa 2014 Paris Marathon noong nakaraang taon ay dalawang silya naman para sa 2015  Tokyo Marathon ang nakataya para sa 2014 MILO National Finals.

Noong nakaraang taon ay sina Eduardo Buenavista at Mary Joy Tabal ang nanguna sa 2013 National Finals na nagbigay sa kanila ng pagkakataong makalahok sa 2014 Paris Marathon noong Abril.

Show comments