Laro Sa Sabado
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
2 p.m. UST vs Adamson
4 p.m. Ateneo vs NU
MANILA, Philippines - Isang 17-4 atake sa fourth quarter ang kinaila-ngan ng Blue Eagles para maiposte ang kanillang pangatlong sunod na panalo.
Tinalo ng Ateneo ang University of the Philippines, 86-75, tampok ang 20 points ni rookie Arvin Tolentino at 19 ni Kiefer Ravena sa 77th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagdagdag si Chris Newsome ng 18 markers para sa Katipunan-based cagers.
Mula sa 23-21 abante sa first period ay nakalayo ang Blue Eagles sa 63-49 sa dulo ng third quarter.
Ngunit nakadikit ang Fighting Maroons sa 67-71 agwat sa likod nina Kyles Lao at JR Gallarza sa huling 4:47 minuto ng final canto.
Ang three-point shot ni Ravena kasunod ang putback ni Tolentino ang nagsindi sa 11-1 ratsada ng Ateneo para ipalasap sa UP ang pang-24 sunod nitong kamalasan.
“At the onset of our huddle, I really wanted them to feel that the La Salle win we had is the same as the UP win we had,” sabi ni head coach Bo Perasol.
Tumapos si Lao na may 16 points kasunod ang 10 ni Gallarza.
Sa ikalawang laro, bumangon ang nagdedepensang La Salle mula sa 0-2 panimula para talunin ang National University, 57-55.
Ang jumper ni Jason Perkins sa natitirang 0.6 segundo ang nagbigay sa Archers ng 57-55 abante para ipatikim sa Bulldogs ang una nitong kabiguan.
Magkasalo sa liderato ang Ateneo at UE sa kanilang magkaparehong 3-0 kartada kasunod ang NU (2-1), FEU (1-1), UST (1-1), La Salle (1-2), Adamson (0-2) at UP (0-3).
Ateneo 86 - A. Tolentino 20, K. Ravena 19, Newsome 18, Capacio 9, Elorde 7, Pessumal 5, Babilonia 2, Gotladera 2, Javellosa 2, Lim 2, Apacible 0, T. Ravena 0.
UP 75 - Lao 16, Gallarza 10, Juruena 9, Gingerich 9, Asilum 9, Dario 6, Vito 6, Reyes 5, Moralde 5, Bederi 0.
Quarterscores: 23-21; 46-38; 66-54; 86-75.
La Salle 57 – Perkins 14, N. Torres 13, Teng 9, Vosotros 7, Van Opstal 7, Andrada 3, Montalbo 2, Rivero 2, Bolick 0.
NU 55 – Aroga 12, Rosario 10, Khobuntin 9, Alolino 9, Javelona 5, Diputado 4, Alejandro 3, Neypes 2, Perez 1, Betayene 0, Atangan 0.
Quarterscores: 12-16; 35-29; 45-43; 57-55.