MANILA, Philippines - Nilimita ng San Beda College ang Emilio Aguinaldo College sa 21 points sa kabuuan ng second half patungo sa 81-55 panalo sa 90th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Ito ang pang-limang sunod na arangkada ng Red Lions para patuloy na pangunahan ang torneo.
Nauna nang pinigilan ng San Beda ang Mapua sa 55 points sa kanilang 34-point blowout noong Hulyo 4.
Kumolekta si Arthur dela Cruz ng double-double sa kanyang 12 points at 11 rebounds, habang may 11 markers si 6-foot-7 Nigerian import Ola Adeogun.
Umiskor si Fil-Aussie Anthony Semerad ng game-high na 16 points at nag-ambag si Kyle Pascual ng 10 markers para sa defending four-peat champions.
Mula sa 42-34 abante sa halftime ay pinalobo ng Red Lions ang kanilang kalamangan sa 64-45 papasok sa fourth period.
Nalasap naman ng Generals ang kanilang pangatlong kabiguan sa apat na laro.
Pinangunahan ni rookie Jerald Serrano ang EAC sa kanyang 12 points kasunod ang 10 ni Igee King at 8 ni Cameroonian import Noube Happi.
Sa ikalawang laro, tinapos ng St. Benilde ang kanilang three-game skid matapos gitlain ang 2013 runner up Letran, 85-71.
Kumamada si Paolo Taha ng season-high na 24 points, kasama rito ang 12 sa third quarter, para banderahan ang Blazers.
Natikman ng Knights ang kanilang ikaapat na pagkatalo sa limang asignatura.
San Beda 81 - A. Semerad 16, Dela Cruz 12, Adeogun 11, Pascual 10, Amer 9, D. Semerad 7, Tongco 6, Mendoza 5, Koga 2, Solera 2, Mocon 1, Cabanag 0, Abude 0, Abatayo 0.
EAC 55 - Serrano 12, King 10, Happi 8, Jamon 7, Onwubere 6, Tayongtong 5, Aguilar 4, Arquero 2, Mejos 1, Santos 0, Saludo 0, Pascual 0.
Quarterscores: 19-11; 42-34; 64-45; 81-55.
St. Benilde 85 - Taha 24, Romero 12, Grey 11, Saavedra 10, Nayve 8, Jonson 7, Bartolo 6, Altamirano 3, Pajarillaga 2, Sinco 2, Ongteco 0.
Letran 71 - Cruz 16, Nambatac 10, Gabawan 10, Racal 10, Ruaya 9, Publico 6, Castro 5, Quinto 3, Luib 2, Calvo 0, Saldua 0, Tambeling 0, Singontiko 0.
Quarterscores: 15-all; 42-31; 65-51; 85-71.