Lewis pumirma sa Dallas

MANILA, Philippines - Pinapirma ng Dallas Mavericks si free agent forward Rashard Lewis, naglaro sa nakaraang dalawang seasons para sa Mia­mi Heat at miyembro ng kanilang 2013 NBA championship team.

Sa nakaraang season ay nagtala siya ng mga averages na 4.5 points, 1.8 rebounds at 16.2 minuto sa 60 games.

Inihayag ng Washington Wizards ang pagkuha nila kay power forward Kris Humphries mula sa Boston Celtics kapalit ng isang protected 2015 second round draft pick.

Naglista si Humphries ng mga averages na 8.4 points at 5.9 rebounds sa 69 games para sa Boston noong nakaraang season.

Kinuha rin ng Wizards si power forward/center Kevin Seraphin, lumagda sa isang $3.89 million qualifying offer.

Muling pinapirma ng Mia­­mi si forward/center Chris Andersen.

Si Andersen ay nagposte ng mga averages na 6.6 points, 5.3 rebounds at 1.35 blocks sa 72 games.

 

 

Show comments