MANILA, Philippines – Pangungunahan ng beteranong si Danny Ildefonso ang bagong koponan na Blackwater Elite sa darating na 40th season ng PBA ngayong taon.
Pinili ng Blackwater ang two-time MVP na si Ildefonso bilang kanilang No. 1 pick sa isinagawang PBA Exansion Draft sa Tito Chef Restaurant sa Microtel-Libis ngayong Biyernes.
"Danny (Ildefonso) is a veteran and a champion. We're expecting him to be an extension of the coaching staff on the court and mentor our young guys," pahayag ni Blackwater Elite team owner Dioceldo Sy.
Samantala, pinili naman ng Kia Motos ang bigman na si Reil Cervantes na isang manlalaro ng Blackwater sa PBA D-League.
Hindi nakadalo ang Kia head coach na si Manny Pacquiao dahil kailangang alagaan ang asawang may sakit.
Sinabi ni assistant coach Glenn Capacio na nagkausap naman sila ni Pacquiao sa mga pipiliing manlalaro.
"Nagkausap naman kami ni coach Manny (Pacquiao) before the draft and we talked about the players we wanted to get," banggit ni Capacio.
Bukod kay Cervantes, kinuha ng Kia sina Mike Burstcher, Hans Thiele, Alvin Padilla, Jai Reyes, Paul Sanga, Angelus Raymundo, Eder Saldua, Nic Belasco, LA Revilla, Joshua Webb at Rich Alonzo.
Kinumpleto naman ng Blackwater ang kanilang lineup sa pagsama kina Alex Nuyles, JR Cawaling, Eddie Laure, Bruan Faundo, JP Erram, Paul Artadi, Gilbert Bulawan, Bam Gamalinda, Chris Timberlake, Norman Gonzales at Rob Celiz.
Bukod sa dispersal draft, kabilang din ang dalawang bagong koponan sa PBA Rookie Draft na gagawin sa Agosto, kung saan sa kanila ang 11th at 12th picks.