Argentina diretso sa FIFA World Cup Finals

Dalawang penalty kick ng Netherlands ang hinarang ng goal keeper na si Sergio Romero upang itawid ang Argentina sa FIFA World Cup Finals. AP/Manu Fernandez

MANILA, Philippines – Iniligtas ng goal keeper na si Sergio Romero ang Argentina upang dumiretso sa Finals ng FIFA World Cup sa Brazil.

Nauwi sa penalty shootout ang semi-finals matapos walang maka-goal sa pagitan ng Argentina at Netherlands sa loob ng 120 minutes kasama na ang extra time.

Naisuksok lahat ng Argentina ang kanilang tira, ngunit hindi sila mananalo kung hindi sa magandang depensa ni Romero na sinalag ang dalawang tira ng Netherlands upang masungkit ang panalo sa iskor na 4-2.

Makakabangga ng Argentina ang Germany para sa kampeonato na gagawin sa Maracana Stadium sa Rio de Janeiro Linggo ng madaling araw.

Pumasok sa championship ang Germany matapos lampasuhin ang host na Brazil sa harap ng kanilang mga kababayan sa iskor na 7-1.

Magkakasubukan naman ang Netherlands at Brazil para sa third at fourth place.

Show comments