LONDON--Nangako si Canadian star Eugenie Bouchard na babawi siya sa kanyang kabiguan sa nakaraang Grand Slam tournament sa pamamagitan ng pagpasok sa kanyang unang major final sa Wimbledon.
Nagtala ang 13th seed na si Bouchard ng 6-3, 6-4 panalo laban kay Angelique Kerber ng Germany sa quarterfinal round ng torneo.
Makakatapat ng 20-anyos na netter sa semifinals si world number three Simona Halep, pinatalsik si Sabine Lisicki, 6-4, 6-0, sa isa pang laro sa quarterfinals.
Nauna nang nasibak si Bouchard sa Australian at sa French Open ngayong taon.
Si Bouchard, ang 2012 junior Wimbledon champion, ay tinalo nina Li Na sa Melbourne at Maria Sharapova sa semifinals ng naturang dalawang torneo.
Natalo si Bouchard kay Halep sa three sets sa Indian Wells ngayong taon.
Yumuko naman si Halep kay Maria sa French Open final noong Mayo.
Sa iba pang semifinals matches, makakatapat ni Petra Kvitova ang kanyang kababayang si Czech Lucie Safarova.
Ang sixth seed na si Kvitova ang tanging Grand Slam winner na natira sa women’s draw.