Lowry pumirma uli sa Toronto

TORONTO--Nakipagkasundo si Kyle Lowry, tumulong sa Toronto na makapasok sa postseason sa unang pagkakataon matapos ang anim na taon, sa Raptors para sa isang four-year contract extension.

Sinabi ng 28-anyos na free-agent guard sa Yahoo Sports na “Toronto is just the right place for me” at muli itong ipinoste sa kanyang Twitter account. Ang kontrata ay sinasabning nagkakahalaga ng $48 milyon.

Nagtala si Lowry ng mga averages na 17.9 points at 7.4 assists sa kanyang ikalawang season para sa Toronto.

Nakuha siya ng Toronto noong 2012 sa pamamagitan ng trade sa Houston Rockets.

Kumamada si Lowry ng mga averages na 11.7 points at 5.4 assists sa 506 NBA games para sa Memphis, Houston at Toronto.

 

Show comments