MANILA, Philippines - Hindi tatawaging ‘Big Game James’ si James Yap kung walang dahilan.
Kumamada si Yap ng 10 points sa fourth quarter para tulungan ang nagdedepensang San Mig Coffee sa come-from-behind 104-101 panalo laban sa Rain or Shine sa Game One ng 2014 PBA Governors’ Cup Finals kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Bumangon ang Mixers mula sa isang 17-point deficit sa second period para kunin ang 1-0 abante sa kanilang best-of-five championship series ng Elasto Painters.
Maaaring lumapit ang San Mig Coffee sa kanilang inaasam na Grand Slam sa pamamagitan ng panalo sa Rain or Shine sa Game Two bukas sa Smart Araneta Coliseum.
Tumirada ang two-time PBA Most Valuable Player na si Yap ng isang three-point shot at jumper buhat sa mga pasa ni Marc Pingris para ibigay sa Mixers ang 101-98 abante kontra sa Elasto Painters sa huling 16.6 segundo.
Ang mintis na tres ni Gabe Norwood ng Rain or Shine ang nagresulta sa dalawang free throws ni import Marqus Blakely sa natitirang 8.1 segundo para sa 103-98 abante ng San Mig Coffee kasunod ang 3-point play ni import Arizona Reid para sa kanilang 101-103 agwat sa huling 4.7 segundo.
Nauna nang ipinoste ng Elasto Painters ang 69-52 bentahe galing sa basket ni Beau Belga sa ilalim ng anim na minuto ng second period.
San Mig Coffee 104 - Simon 18, Pingris 14, Yap 14, Blakely 13, Barroca 11, Maliksi 10, Devance 10, Sangalang 7, Reavis 5, Melton 2, Mallari 0.
Rain or Shine 101 - Reid 35, Chan 17, Lee 12, Belga 11, Norwood 7, Almazan 6, Arana 5, Cruz 2, Tiu 2, Nuyles 2, Ibanes 2, Rodriguez 0.
Quarterscores: 24-29, 46-57, 71-78, 104-101.