MANILA, Philippines - Isinakripisyo ni GM Wesley So ang kanyang rook para pasimulan ang malakas na opensiba tuÂngo sa 23-moves panalo ng Irregular Opening kay Canadian IM Raja Panjwani sa 9th Edmonton Chess Festival sa Canada kahapon.
Nagbitiw si Panjwani dahil sa nakaambang mate para ibigay sa 20-anyos na si So ang ikatlong sunod na panalo.
Bunga nito ay nanatiÂling kasali si So sa liderato kasama ang dating World Challenger na si Vassily Ivanchuk ng Ukraine na tinalo si Alex Yam ng Canada sa 35-moves ng English Opening.
Samantala, ipinalasap ni IM Jan Emmanuel Garcia ang ikalawang pagkaÂtalo ni GM Joey Antonio sa 2014 Battle of the Grandmasters para masolo ang liderato sa open division.
Nagtagumpay si Garcia sa Berlin game para magkaroon ng 12 puntos matapos ang limang rounds.
Bumaba ang dating kaÂsalo sa liderato na si 62-anyos GM Eugene Torre nang nauwi sa tabla ang Slav game nila ni Joel Pimentel matapos ang 39 moves.
May 11 puntos si Torre habang nasa ikatlong puwesto kapos ng kalahating puntos sina WFM Janelle Mae Frayna, IM Paulo Bersamina at GM John Paul Gomez sa 10.5 puntos. (AT)