PNP, AFP unahan sa Game 1

Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

2 p.m. MMDA vs Judiciary

4 p.m. PNP vs AFP

 

MANILA, Philippines - Agawan sa unang panalo ang magaganap sa PNP Responders at AFP Cavaliers sa pagsisimula ng UNTV Cup Season 2 Finals ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Dakong alas-4 ng ha­pon magsisimula ang bakbakan at ang mananalo ay aabante sa 1-0 kalama­ngan sa maigsing best-of-three series.

Nakuha ng PNP at AFP ang karapatang paglabanan ang titulo matapos manalo sa knockout semifinals noong nakaraang Linggo.

Kinalos ng Responders ang MMDA Black Wolves, 80-67, habang pinagpahinga ng Cavaliers ang dating kampeon Judiciary Magis, 85-76.

Ang Magis at Black Wo­lves ang unang magtutuos sa ganap na alas-2 ng hapon para sa kanilang battle-for-third place.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na nasa Finals ang Responders at si Olan Omiping ang mangu­nguna sa pag-atake.

Inaasahang may maku­kuha siyang suporta kina Harold Sta. Cruz at Jason Misola upang makatikim ng titulo sa liga.

Hindi naman basta-bas­ta padadaig ang Cavaliers at ang pagbangon mu­la sa twice-to-beat ad­vantage na hawak ng Magis sa Final Four ay patunay sa kanilang determinasyon.

Ang beteranong guard na si Eugune Tan bukod pa kina Rolando Pascual, Jeff Quiambao at Winston Sergio ang mga magpupursigi para tanghaling pinakamahusay na koponan sa liga.

 

Show comments