Belgium wagi sa Algeria; Russia, Sokor tabla sa 1-1
RIO DE JANEIRO--NaÂbigo ang host Brazil na pasayahin pa ang kanilang mamamayan nang mauwi sa 0-0 scoreless draw ang laro laban sa Mexico sa pagÂpapatuloy ng World Cup sa Estadio Castelao sa Fortaleza, Brazil dito.
Nagsilbing tinik para sa host country ang husay ng Mexican goalkeeper na si GuilÂlermo Ochoa na nagkaroon ng matitinding saves upang maunsiyami ang hanap na ikalawang panalo ng Brazil.
Sa first half pa lamang ay itinatak ni Ochoa ang kanyang marka nang biguin ang tangkang goal mula sa Brazilian striker na si Neymar.
Eksakto ang pagkalundag ni Ochoa para makalawit gamit ang isang kamay ang bola bago pumasok ng goal.
“I never dreamt of plaÂying a game like this. There are nights when you get out there and the ball seems to hit you even if you close our eyes,†wika ni Ochoa na may anim na saves sa laro.
“They have a very good goalkeeper who had a very good day. That is why we could not win,†tugon ni Brazil coach Felipe Scolari.
Ang Brazil na nanalo sa Croatia sa unang laro ay may isang panalo at isang tabla karta katulad ng Mexico sa Group A.
Binuksan ng Belgium ang laro sa Group H sa pamamagitan ng 2-1 panalo sa Algeria habang ang Russia at South Korea ay nagtabla sa 1-1 sa isang laro.
Sinandalan ng Belgium ang mga pamalit na sina Marouane Fellaini at Dries Mertens sa second half para makuha ang panalo kahit napag-iwanan sa first half, 0-1, mula sa penalty kick ni Sofiane Feghouli sa 24th minute.
Ang header ni Fellaini ang nagpatabla sa laro sa 70th minute at sampung minuto matapos nito ay naipanalo ni Mertens ang laro sa isang counter-attack.