MANILA, Philippines - Sinamantala ng AFP CaÂvaliers ang pagkakatalsik sa laro ni Don Camaso para tapusin ang isang taong paghahari ng Judiciary Magis sa 85-76 panalo sa UNTV Cup Season 2 knockout semifinals noong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Sinuntok ng 6’6 center na si Camaso si Alvin Zuniga matapos ang maÂtinding foul at napilayan ang Magis upang mamaalam sa hangaring pagdepensa sa hawak na titulo.
Si Rolando Pascual ang nagdala sa laban ng CaÂvaliers sa kanyang 24 puntos bukod sa 12 rebounds, dalawang steals at dalawang blocks para makabawi ang AFP mula sa pagkatalo sa Magis sa semis noong nakaraang taon.
Makakatapat ng AFP ang PNP Responders na dinurog ang MMDA Black Wolves, 80-67, sa isa pang knockout game.
May 31 puntos at 10 rebounds si Olan OmiÂping para sa ResponÂders na naibangon din ang sarili mula sa paglasap ng unang pagkatalo sa huÂling tagisan nila ng Black Wolves.
Nakipagtulungan muna si Omiping kay Harold Sta. Cruz sa first half para itulak ang Responders sa 47-30, bago sinolo ang pagkamada sa huling yugto nang ibagsak ang 16 puntos para magkaroon ng pagkakataon na makuha ang kampeonato sa ikalawang pagtuntong sa championship round.
Ang Finals ay isang best-of-three series at ganito rin ang tagisan para sa ikatlong puwesto.