The Netherlands hiniya ang Spain sa World Cup

SALVADOR, Brazil--Hindi magpapadala ang the Netherlands sa magandang panalo na nakuha laban sa nagdedepensang World Cup champion Spain.

“We don’t have anything yet,” wika ni Dutch coach Louis van Gaal. “We’ve made a pretty start. If you beat Australia, then you’ve made a good start.”

Ang Australia ang siyang sunod na kalaban ng Dutch sa Hunyo 18 sa Porto Alegre at sisikapin nilang patunayan na tunay ang naitalang 5-1 panalo sa Spain.

Nakauna sa pagpuntos ang Spain sa penalty ni Xabi Alonzo pero napako na sila rito.

Sina Robin van Persie at Arjen Robben ay nagkaroon ng dalawang goals para pamunuan ang malakas na pagbangon ng koponan.

Sunod na  kalaban ng Spain ay ang Chile sa Rio de Janeiro sa araw na magbabalik ang pitch ng Dutch at kaila­ngan nilang mailabas ang laro ng isang kampeon

“We need to recover. We’re the defending champions and two-time European champions. We have to go out and beat Chile,” wika ng defender na si Gerard Pique.

Hindi ito ang unang pagkakataon na natalo ang Spain sa kanilang unang laro dahil natalo rin sila sa unang asignatura noong 2010, ang taon na kinilala sila bilang kampeon ng prestihiyosong torneo sa football sa mundo.

Kailangan lamang na kalimutan na ng koponan ang nangyari at ituon ang isipan sa Chile na mataas ang morale na haharap sa kanila matapos ang 3-1 panalo sa Australia na ginawa sa Cuiaba.

 

Show comments