MANILA, Philippines - Pangakong binitiwan ni Freddie Roach ang siyang dagdag na motibasyon ni Ruslan Provodnikov para makuha ang panalo kontra kay Chris Algieri sa laban na gagawin ngayon sa Barclays Center sa Brooklyn.
Itataya ng Russian boÂxer ang WBO light welterweight title na napanalunan kay Mike Alvarado noong Oktubre at hanap niya ang kumbinsidong panalo para mapalaban sa mas malaÂking pangalan sa pagbabalik ng ring bago matapos ang taon.
Isa sa boksingero na nais na makasukatan ni ProÂvodnikov ay ang Pambansang kamao na si Manny Pacquiao at mismong si Roach ang nagsabi na kanyang tutulungan ang boksingero na makuha ang pinapangarap na laban kung manalo siya kay Algieri.
“I asked Ruslan, ‘Do you really want to make that fight happen? You’re going to lose me as a trainer, and have a slim chance of winning. Ruslan said, ‘Well, we need big fights like than.’ I said, ‘If you want it, I’ll give it to you,†wika ni Roach sa panayam ng LA Times.
Iisa lamang ang trainer nina Pacquiao at Provodnikov sa katauhan ni Roach at minsan na rin nag-spar ang dalawang boxer habang naghahanda sa laban ang natatanging 8-division world champion.
Ang nakuhang karanasan sa pakikipag-ensayo kay Pacquiao ang nakatulong para gumaling siya at maramdaman kahit paano kung kakayanin ang suntok ng Kongresista ng Sarangani Province bilang paghahanda sakaling magkatapat sa ring.
Pero nilinaw din ng WBO champion na may 23 panalo sa 25 laban, kasama ang 16 KOs, na wala siyang iniisip ngayon kungdi ang laban nila ni Algieri na hindi pa natatalo matapos ng 19 laban.
Tumimbang si Provodnikov sa 139.8 pounds habang si Algieri ay pumasok sa eksaktong 140-pounds.