MANILA, Philippines - Haharapin ni TaiwaÂnese top seed Chiang Pei Hsin si local bet Danica Peligrino, habang makakaÂtapat nina No. 2 Lili Wang ng ChiÂna at Indonesian Asifa Nur Farisma sina Maryann Maranon at Kim Jarabelo sa pagsisimula ng FDG Cup Open at Invitational badminton tournament sa Powersmash Badminton Center sa Makati.
Inaasahang magdodomina ang mga foreign bets sa first round ng two-weekend championship na nilahukan ng 225 players, kasama ang apat na Malaysians at dalawang Indonesians sa men’s Open singles.
Ito ang pang-11 pagdaraos ng annual tournament na isang ranking event na may basbas ng Philippine Badminton Association.
Si top local ace Toby Gadi ay uupo sa No. 7 kasunod sina Kevin Cudiamat, Rabie Oba-ob, Ros Pedrosa, R-Jay Ormilla, Kevin Dalisay, Wilson Lopez at Kenneth Monterubio.
Maglalaban sina Chiang at Peligrino sa ganap na alas-9 ng umaga kasabay nina No. 8 Angela Sevilla at Karla Palma, no. 7 Joy Barredo at Dia Magno, at Isa Tan at Camille Gotohio at Wang, isang regular local campaigner, kontra kay Maranan.
Makakasagupa naman ni Farisma si Jalabelo, habang makakasukatan ni No. 1 Dea Adirangga ng Indonesia si Joseph Odullo.
Si Malaysian ace MoÂhammad Arif Ab Latif ang makakaharap ni Jojo Malelang sa alas-10:30 ng umaga kasunod ang banggaan nina Malaysia bet Kay Ee Yeoh at Alexis Geverjuan sa 10:40 a.m..
Lalabanan ni Jinn Ye Tan ng Malaysia si Ck Clemente sa alas-11:30 kasunod ang salpukan nina Ahmadi Binn Abdul Saman at Jeremiah Katoh sa alas-11:40 at ang banggaan nina Ruddy Kondoy ng Malasyia at Akishite Hilario sa alas-12 ng tanghali.