MANILA, Philippines - Inihabol ng Senado ang Senate Resolution 688 para papurihan si Nonito Donaire Jr. matapos bigyan ng karangalan ang bansa nang kunin ang WBA feaÂtherweight title nang talunin si Simpiwe Vetyeka ng South Africa noong Mayo 31 sa Macau, China.
Noong Miyerkules ginawa ang resolusyon at kasama sa tinuran ng dokumento ay ang naitalang 9th round knockout panalo kay Vic Darchinyan ng Armenia sa rematch na ginawa noong nakaraang Nobyembre.
Si Senator Edgardo Angara ang siyang nag-isponsor sa resolution na umani ng pagsang-ayon sa mga kasamahan.
“Donaire demonstrated his unwavering determination and heart of a champion when he instructed the referee not to stop the fight in the first round notwithstanding the steady stream of blood right above his left eye,†wika ni Angara na chairman ng Senate committee on games, amusement and sports.
Naputukan ang 31-anÂyos na si Donaire matapos ang untugan ng kanilang ulo ni Vetyeka at ang laban ay itinigil ilang segundo matapos simulan ang fifth round.
Nauwi sa scorecards ang laban at si Donaire ay umani ng 49-46 iskor sa tatlong hurado.
“It is high time that we recognize and honor our champion, a world-class Filipino that we can all be proud of, Nonito Donaire Jr.,†pahayag pa ni Angara.
Si Donaire ang ikatlong world boxing champion ng bansa sa ngayon kasunod nina Manny Pacquiao at Donnie Nietes na kampeon sa WBO welterweight at light flyweight divisions.