Fareñas pababagsakin ang American boxer

MANILA, Philippines - Sinabi ni dating two-division world champion na si Gerry Peñalosa na kailangan ng alaga niyang si Michael “Hammer Fist” Fareñas ng knockout sa kanyang laban sa Hulyo 2 sa Foxwoods Resort and Casino sa Connecticut .

Katunggali ng International Boxing Federation No. 4-ranked kaliwete na si Fareñas (38-4-4, 30 KOs ) ang No. 11-ranked na si Mark Davis ng US.

Sina Peñalosa at Fareñas ay nasa Los Angeles na ngayon para paigtingin ang pagsasanay ng huli sa Wild Card Gym ni Freddie Roach.

“Kailangan na lang ng refining since he is in good shape and about 70-80 percent ready. Mahaba na ang preparasyon namin, sa tingin ko maganda na ang kondi­s­yon ni Michael,” ani Peñalosa, na tinawag ni Roach na isa sa mga pinakamahusay na Pilipinong kampeon sa teknikal na aspeto.

Naka-spar na rin si Fareñas ng 50 rounds kaya’t naniniwalang sapat na ang lakas nito para makapagtala ng knockout panalo.

Mahalaga na sa ganitong panalo mauwi ang laban kay Fareñas upang maipakita na sa edad na 29 ay taglay pa niya ang lakas na maaaring magbukas ng pintuan para mapalaban sa isang world title.

“Kinakabahan ako at may halong excitement. Iba ang pakiramdam,” sabi ni Fareñas, na sinamahan ng kanyang kuya na si Carlos Peñalosa at strength and conditioning coach na si Jay  San Pedro.

Show comments