Ignacio pasok sa finals ng China Open

MANILA, Philippines - Naisuko ni Lee Van Cor­teza ang titulo sa China Open 9-ball pero may posibilidad na sa Pilipinas pa rin mamamalagi ang nasabing korona.

Ang bagitong si Jeffrey Ignacio ang lalaban kay Tai­wanese player Chang Yu Lung sa finals ng kompe­tisyon na ginagawa sa Pu­dong Yuanshen Stadium sa Shanghai, China.

Kinalos ni Ignacio si Car­lo Biado, 11-6, sa semifinals para mailinya ang sa­rili sa posibleng kauna-una­hang titulo sa unang pag­sali sa nasabing kom­pe­tisyon.

Para maabot ang semifinals, tinalo muna ni Ignacio sina Karl Skowarski ng Poland, 11-8, sa Last 32 bago isinunod si John Mor­ra ng Canada, 11-8, at Mika Immonen ng Finland, 11-6, sa sumunod na rounds.

Sa kabilang banda, si Chang, ang kampeon ng tor­neo noong 2010, ang si­yang nagpatalsik kay Cor­teza nang magkita sila sa Last 8 sa 11-9  iskor.

 

Show comments