MANILA, Philippines - Ginamit ni Grandmaster of Memory (GMM) Mark Anthony Castañeda ng Pilipinas ang kahusayan nito sa Speed Cards event upang biguin ang kababayan na si GMM Erwin Balines sa idinaos na 1st AVESCO Philippine International Open Memory Championship noong Linggo sa Eurotel Hotel North EDSA, Quezon City.
Kinatampukan ang mahusay na ipinakita ni Castañeda nang pagmemorya niya ng eksaktong pagkakasunud-sunod ng isang binalasang deck ng playing cards sa loob lamang ng 37.21 segundo.
Mas mabilis ito kumpaÂra sa isang minuto at 10 segundo sa dating national record na hawak ni Castañeda noong 2011.
Ang world Speed Cards record ay 20 segundo na hawak ni Simon Reinhard ng Germany.
Ang pinakamabilis na oras ni Balines ay nasa 1:15.65 para pumangalawa lamang.
Nakuha rin ni CastaÂñeda ang overall title sa nakuhang 5,519 puntos upang daigin din si Balines na mayroong 5,249 puntos.
Ang bisita galing sa Mongolia na si Tsogbadrakh Saikhandbayar ang pumangatlo sa 4,780 puntos habang si Indonesian GMM Yudi Lesmana ang pumang-apat sa 4,735 puntos.