PARIS-- Inangkin ni Maria Sharapova ang isang semifinals ticket matapos umiskor ng 1-6, 7-5, 6-1 panalo kontra kay 35th-ranked Garbine Muguruza ng Spain sa French Open.
Ito ang ikaapat sunod na taon na nakapasok sa semis ng torneo ang 2012 champion na si Sharapova.
“When you just don’t feel like anything is going your way, you want to try to find a little door to get into,†sabi ni Sharapova. “Once you start feeling, you know, like you got your foot in the door, then it’s a little bit easier.â€
Makakaharap sa semis ni Sharapova si 18th-seeded Eugenie Bouchard ng Canada na nagpatalsik kay No. 14 Carla Suarez Navarro ng Spain, 7-6 (4), 2-6, 7-5.
Sa men’s quarterfinals, sinibak ni No. 2 Novak Djokovic si Milos Raonic ng Canada, 7-5, 7-6 (5), 6-4. para makalaban sa semis si No. 18 Ernests Gulbis ng Latvia, nagtala ng 6-3, 6-2, 6-4 panalo kay No. 6 Tomas Berdych ng Czech Republic.
Maglalaro si Djokovic sa kanyang ika-22 career Grand Slam semifinals; habang ito naman ang kauna-unahan ni Gulbis.