Heat nakatutok sa titulo, lineup maaaring mabago matapos ang finals

Lebron James, Dwyane Wade, Chris Bosh

MIAMI--Para sa Miami Heat, ito ay tungkol sa Hun­yo.

Ang Hulyo ay maaaring maghintay.

Apat na taon na ang na­kararaan nang sabihin ni LeBron James ang ngayon ay pamosong linyang “not two, not three, not four, not five ...” -tungkol sa ilang NBA championship ang kanyang ibibigay sa Heat,  at ito ay kaagad naging punch line.

Ang Heat ay muling mag­lalaro sa NBA Finals para sa ikaapat na sunod na season.

Kung ano ang ilalaro ng Heat sa kanilang NBA Finals rematch ng San Antonio Spurs ang maaaring magdikta kung ano ang mangyayari sa Hulyo.

Sina James, Chris Bosh at Dwyane Wade ay maa­aring maging free agents kung gugustuhin nila.

Iginiit ni Wade noong Lunes na wala pang nagsasalita sa kanilang tatlo kung ano ang mangyayari sa Hulyo.

Habang patuloy ang panalo ng Miami ay mananatili ang “Big 3”.

“I want to come back. That’s OK to say, I think,” wika ni Bosh matapos ang unang workout ng Miami para sa NBA Finals na magsisimula sa Huwebes sa San Antonio.

Anuman ang mangyari sa Heat-Spurs series ay magkakaroon ng pagbabago sa Heat na taunang nangyayari sa kahit anong koponan.

Magreretiro na si Shane Battier, habang ito rin ang iniisip ni Ray Allen.

Sina Mario Chalmers, James Jones at Rashard Lewis ay mga notable free-agents-in-waiting.

Sinabi ni Allen na lahat sila ay nakatutok sa kanilang serye ng Spurs.

Ayon naman kay Tim Duncan, makakamit ng San Antonio ang korona ngayong season matapos kapusin sa Heat noong 2013.

Show comments