MANILA, Philippines - Dadalhin ni Kobe Paras ang kanyang talento sa paglalaro ng basketball sa Youth Olympic Games sa Nanjing, ChiÂna.
Ang 16-anyos na anak ni dating PBA star Benjie Paras ay nakilala nang paghaÂrian niya ang slamdumk side event sa FIBA 3-on-3 World Championship sa Jakarta, Indonesia noong nakaraang taon.
Ngunit kung sino ang makakasama ng 6’6 manÂlalaro sa ipadadalang koÂponan ay inaalam pa dahil ang mga teammates sa 3-on-3 World Championship na sina Thirdy Ravena, Arvin Tolentino at Prince Rivero ay hindi na pasado sa edad.
Sinisipat sina Dino San Juan ng La Salle Greenhills, JP Cauilan at Chino MosÂqueda ng National University para makasama sa ipadadalang koponan pero kailangan pa nilang ipakita na kaÂrapat-dapat silang isama sa Nanjing.
Sa Hunyo 8 ang deadline sa pagpapatala ng pangalan sa ipadadalang delegasyon kaya’t naghahabol ang SBP sa pagsipat kung sino ang pupuwedeng makasama ni Paras.
Ang YOG ay gagawin mula Agosto 16 hanggang 28 at ang Pilipinas ay may naipasok pa lamang na dalawang archers at isang gymnast.
Naghahabol pa ng lahok sa athletics, swimming at triathlon habang ang boÂxing at taekwondo na sinasandalan ng medalya sa mga kompetisyon sa labas ng bansa ay walang naipasang atleta para sa Nanjing.