Spurs natuto na ng leksyon

OKLAHOMA City--Ayaw ng San Antonio na maulit ang bangungot na kanilang naranasan noong 2012.

Dalawang taon na ang nakakaraan nang sikwatin ng Spurs ang 2-0 kalamangan sa kanilang Western Confe­rence Finals ng Oklahoma City Thunder.

Ngunit naisuko nila ang apat na sunod na laro sa Thun­der na nagpatalsik sa kanila sa playoffs.

“Reminding people about what happened in the past helps in some way, but we have to go out there and execute and do things,’’ ani Spurs forward Tim Duncan.

Ngayong season, rumat­sada ang Spurs sa West Finals kung saan nila giniba ang Oklahoma City sa Games One at Two.

Ngunit sa pagbabalik ni Serge Ibaka mula sa isang left calf strain injury ay nakuha ng Thunder ang Games 3 at 4 para itabla sa 2-2 ang kanilang serye.

Ang Game 5 ay idaraos sa San Antonio sa Huwebes .

 

Show comments