Manny Pacquiao, “safe steps” am­bas­­sador

MANILA, Philippines - Si Philippine boxing hero at Sa­rangani Congressman Manny Pacquiao ang na­­piling ambassador para sa Safe Steps, isang pan-Asian pub­lic service initiative na layuning isulong ang disaster preparedness and awareness sa pamamagitan ng mga educational survival tips.

Ang Safe Steps ay inilunsad kamakailan ng Pru Life UK, Prudence Foun­dation at National Geographic Channel.  Ang Safe Steps ay serye ng 60-second public  service announcements tungkol sa survival tips para sa bagyo, lindol, baha, sunog, pati na ang paggawa ng life-saving emergency kit.

Ang vi­deos na nagta­tampok kay Pacquiao ay kasalukuyang ipinapalabas sa buong Asia via the FOX International Channels.

Show comments