MANILA, Philippines - Matapos ang 91-95 kaÂbiguan sa Globalport noong Biyernes ay kaagad nagsumite ng kanyang resignation letter si head coach Luigi Trillo sa Alaska maÂnagement.
Hindi naman pinigilan ni team owner Wilfred Steven Uytengsu si Trillo at sa halip ay pinasalamatan siya sa kanyang naibigay na kampeonato sa Aces noong 20Â13 PBA Commissioner’s Cup.
“We are appreciative of Luigi’s efforts during his tenure as head coach and in piloting the Aces to our 14th PBA title,†wika ni Uytengsu kay Trillo.
Makaraang ihatid ng dating La Salle Green Archer na si Trillo ang Alaska sa titulo ng 2013 Commissioner’s Cup ay hindi na nakalampas sa quarterfinal round ang Aces sa nakaraang tatlong komperensya.
Sa pagbibitiw ni Trillo ay si assistant Alex Compton ang ipinalit ng Alaska.